2021-2121

Pilipinas
Makalipas ang Dantaon*

Padayon

Ang pagsasalarawan ng mga opisyal na mga datos sa paginit ng mundo sa portal na ito ay nagsisilbing gabay sa epekto ng climate change sa lokal na lebel. Subalit hindi pa rito maisasama ang ibang mga pangyayari, tulad ng mga developments, infrastructure, o mga itatayong mga pasilidad sa lugar. Ang mga pagsasalarawan ng mga lokal na hazard tulad ng pag-guho ng lupa, pagbaha, pagbagsak ng kalupaan dahil hindi napapalitang groundwater o mga preskong tubig sa ilalim ng lupa, pagbaha, pagkaubos ng mga natural na yaman ay base sa mga lokal na risk assessments, pakikipagpanayam sa mga taga-komunidad, at pagbangga ng mga pagaaral na meron sa isang lugar at ng mga pandaigdigang datos.

Hindi maaring gamitin ang mapa na ito bilang isang uri ng gabay upang mapuntahan ang mga lugar (e.g., navigation maps para sa pagbyahe o pagbisita sa mga kabundukan, etc.). Ang nais ibahagi ng DanTAOn ay ang mga kasalukuyang kwento ng mga tao sa komunidad at ang napipintong pagkasira ng kanilang tahanan kung hindi natin maaabot ang ating climate targets. Ang mga datos at proseso na ginamit sa website na ito ay pinapaunlad at mapapaunlad pa.